Monday, August 2, 2010

NOCTURNAL ORGASM: wet dreams ng mga babae!

HINDI LAMANG ANG MGA LALAKE ANG NAKAKARANAS NG WETDREAMS! ---- Tumpak! Noong 1953, natuklasan ni Alfred Kinsey, Ph.D., ang tanyag na sexuality researcher, na halos 40 porsyento ng 5,628 kababaihan na kanyang nakapanayam ay nakaranas ng kahit isang nocturnal orgasm (orgasms during sleep), o “wet dreams” sa puntong sila’y 40-anyos na. Sa isang maliit na pagsasaliksik na nalathala sa Journal of Sex Research noong 1986, nabatid na 85 porsyento ng kababaihan ay nakaranas ng nocturnal orgasm sa gulang na 21-anyos… ang ilan ay bago sila sumapit sa gulang na 13-anyos. Ayon kay Dr. Kinsey at kanyang colleagues, ang female nocturnal orgasms ay sexual arousal habang natutulog na kung saan nagigising ang babae upang maramdaman ang orgasm. 


Gayunman, ang mga babaeng hindi nakararanas ng orgasm sa kanilang pagtulog, o hindi batid kung nakararanas sila nito, ay perfectly normal. Mas madaling matukoy sa kalalakihan ang kanilang wet dreams dahil sa “ejaculatory evidence.” Ang vaginal secretations ay maaaring maging palatandaan ng sexual arousal nang walang orgasm.






source: Pinoy Kamasutra Hataw Tabloid!



No comments:

Post a Comment